Lampasan upang mapunta sa pangunahing nilalaman
U.S. flag

Isang opisyal na website ng gobyerno ng Estados Unidos

language

Ginagamit ng opisyal na mga pahinarya ang .gov
Ang isang pahinarya na .gov ay kabilang sa isang opisyal na organisasyon ng pamahalaan sa Estados Unidos.

Ang ligtas na mga pahinarya na .gov ay gumagamit ng HTTPS
Ang isang kandado ( ) o https:// ay nakakonekta sa pahinaryang .gov. Magbahagi lamang ng sensitibong impormasyon sa opisyal, ligtas na mga pahinarya.

Mag-ulat nang mga isyu sa pagboto , kabilang ang mga banta laban sa mga mamboboto at pandaraya sa eleksyon
Naging biktima ka ba ng isang krimen sa pagkapoot o panlilinlang ng mga tao? Humingi ng tulong NGAYON!

Pinapanindigan namin ang mga karapatang sibil ng lahat ng tao sa Estados Unidos.

Ang Dibisyon sa mga Karapatang Sibil ay nagpapatupad ng mga batas na pampederal na pumoprotekta sa iyo mula sa diskriminasyon batay sa iyong lahi, kulay, pambansang pinagmulan, katayuan ng kapansanan, kasarian, relihiyon, katayuan ng pamilya, o kawalan ng ibang mga karapatan sa ilalim ng saligang batas.

Kung naniniwala ka na ang iyong mga karapatang sibil o ng ibang tao ay nalabag, magsumite ng ulat gamit ang aming online na pormularyo.

Mag-umpisa ng isang ulat Alamin ang iyong mga karapatan
phone

Kung ikaw ay nasa panganib, makipag-ugnay sa 911

Kung ikaw o ibang tao ay nasa kaagarang panganib, mangyaring tumawag sa 911 o lokal na pulis.

Kung ikaw ay nag-uulat sa maling pangangasiwa ng mga nagpapatupad ng batas o naniniwala ka na nakaranas ka ng isang krimen sa pagkapoot, mangyaring makipag-ugnay sa FBI.

Tungkol sa Dibisyon sa mga Karapatang Sibil

Pinoprotektahan namin ang iyong mga karapatan sa pamamagitan ng:

Pagpapatupad

Idinedemanda o inuusig namin ang mga tao at mga samahan na lumalabag sa mga batas sa mga karapatang sibil.

Maaari mo kaming tulungang gawin ang trabahong ito sa pamamagitan ng pag-uulat ng isang posibleng paglabag sa mga karapatang sibil sa pamamagitan ng aming online na pormularyo.

Edukasyon

Tinutulungan namin ang publiko na maunawaan kung paano sumunod sa mga batas na ito.

Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa publiko, tulong na pangteknikal, at iba pa.

Koordinasyon

Tinutulungan namin ang buong gobyernong pampederal na magtrabaho ng sama-sama upang ipatupad ang mga batas na ito.

Ang aming mga koponan ay nagtatrabaho kasama ang ibang mga ahensya upang itaguyod ang naaalinsunod na pagtalakay ng mga batas sa karapatang sibil.

Pag-unawa sa iyong mga karapatan

Maaari kang protektahan ng mga batas sa karapatang sibil mula sa labag sa batas na diskriminasyon, panliligalig, o abuso sa iba’t-ibang kapaligiran katulad ng pabahay, lugar ng pinagtatrabahuhan, paaralan, pagboto, negosyo, pangangalaga sa kalusugan, pampublikong mga puwang, at iba pa.

Kung ikaw ay minaltrato ng nagpapatupad ng batas (kabilang ang habang nakakulong), naniniwala na ikaw ay naging biktima ng isang krimen sa pagkapoot, o isang biktima ng panlilinlang ng mga tao, maaari ka naming tulungan na tumungo sa tamang direksiyon.

Pumili mula sa listahang ito upang makita ang halimbawa ng mga paglabag sa mga karapatang sibil:

  • Mga halimbawa

    Mga sagabal sa pagpaparehistro sa pagboto, sa pagkuha o pagsumite ng balota, sa pagbilang sa iyong balota, o pagpasok sa lugar ng botohan upang bumoto

    Tinanggihan ng sapat na tulong sa pagboto o mga akomodasyon para sa isang kapansanan sa lugar ng botohan

    Pinaghigpitan o pinigilang makilahok sa isang halalan, kabilang ang pagboto, pagiging isang kandidato, o pagkahalal sa posisyon

    Tandaan

    Upang iulat ang isang banta laban sa mga botante, mga banta laban sa mga opisyal ng halalan, o pandaraya sa halalan, bisitahin ang tips.fbi.gov o tumawag sa 800-CALL-FBI

    Matuto ng mas marami →

  • Mga halimbawa

    Natanggal sa trabaho, hindi natanggap, o na-demot sa trabaho sa kadahilanang hindi kaugnay sa pagganap sa trabaho o mga kwalipikasyon.

    Ginantihan dahil sa pag-uulat ng diskriminasyon

    Hindi naaangkop na humiling na magbigay ng dokumentasyon tungkol sa imigrasyon.

    Tinanggihan sa muling pagtatrabaho o sisantehin sa trabaho batay sa serbisyong militar

    Tinanggihan ng tulong dahil sa isang kapansanan, kabilang ang hindi pagpapahintulot na magkaroon ng hayop na nagbibigay ng serbisyo sa lugar ng pinagtratrabahuhan

  • Mga halimbawa

    Tinanggihan ng pabahay, pahintulot, o pautangin batay sa personal na mga katangian katulad ng lahi, kasarian, at/o pagkakaroon ng mga anak na wala pang 18 taong gulang

    Panliligalig ng isang nagpapaupa o ibang umuupa, kabilang ang sekswal na panliligalig

    Mga hamon sa pagwawakas ng pagpapaupa dahil sa pagbabago ng katayuan sa militar

    Tinanggihan ng tulong dahil sa isang kapansanan, kabilang ang hindi pagpapahintulot na magkaroon ng hayop na nagbibigay ng serbisyo o hayop na tumutulong sa loob ng pampublikong pabahay

    Matuto ng mas marami →

  • Mga halimbawa

    Panliligalig batay sa lahi, kasarian, pambansang pinagmulan, kapansanan, o relihiyon

    Tinanggihan ang pagpasok o inihiwalay sa isang palatuntunan o aktibidad na pang-edukasyon

    Tinanggihan ng mga tulong na pang-edukasyon dahil sa isang kapansanan o kahadlangan sa wika

  • Mga halimbawa

    Pagmamalupit ng pulis o paggamit ng labis na puwersa, kabilang ang mga kaparaanan ng maling pangangasiwa ng mga pulis

    Hinanapan at inaresto sa ilalim ng maling mga pagpapanggap, kabilang ang pagtatangi ng lahi o iba pang diskriminasyon

    Tinanggihang mga karapatan habang naaresto o nakakulong

    Tinanggihan ng pagkakaroon ng ligtas na mga kondisyon sa pamumuhay o mga tulong para sa kapansanan, kahadlangan sa wika, o kasanayan sa relihiyon habang nakakulong

  • Mga halimbawa

    Isang lugar na pisikal o online na hindi nagkakaloob ng akomodasyon para sa may kapansanan

    Tinanggihan na serbisyo o pagpasok dahil sa isang pinaghihinalaang personal na katangian katulad ng lahi, kasarian, o relihiyon

    Tinanggihan ng tulong dahil sa isang kapansanan, kabilang ang hindi pagpapahintulot na magkaroon ng hayop na nagbibigay ng serbisyo sa isang komersyal o pampublikong lokasyon

  • Ang isang krimen sa pagkapoot ay karahasan o mga pananakot ng karahasan batay sa lahi, kulay, pambansang pinagmulan, relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan ng kasarian, o kapansanan.

    Mga halimbawa

    Pisikal na atake na nagdudulot ng pinsala, o pagtangkang magdulot ng pinsala gamit ang mapanganib na sandata, dahil sa mga katangian na nabanggit sa itaas

    Mga atake, mga banta ng karahasan, o pagsira ng mga ari-arian sa lugar ng pagsamba (tulad ng: pagbaril, pagsunog, pagbomba, pagbasag ng mga bintana, pagsulat ng mga insulto)

  • Mga halimbawa

    Pinilit na magtrabaho sa pamamagitan ng mga banta ng pananakit o deportasyon, manipulasyong sikolohikal, manipulasyon sa mga utang, pagkumpiska ng mga dokumento, o pagkakulong

    Pinuwersa sa trabahong pakikipagtalik upang mapagkakitaan sa pamamagitan ng pisikal na pang-aabuso o pag-atake, sekswal na pang-aabuso o pag-atake, iba pang mga banta ng pananakit, o pagkakulong

Kung sa tingin mo ay nakaranas ka ng kaparehong sitwasyon, aralin kung paano mag-ulat ng isang paglabag sa mga karapatang sibil.

person

Protektado ng mga batas sa mga karapatang sibil

Ang mga ito ay ang pinaka-karaniwang mga katangian na ligal na pinoprotektahan.

  • Lahi/kulay
  • Kapansanan kabilang ang panandalian o habang nagpapagaling
  • Relihiyon
  • Kasarian, pagkakakilanlan ng kasarian, at orientasyong sekswal
  • Katayuan sa Imigrasyon / Pagkamamamayan
  • Wika at pambansang pinagmulan kabilang ang pinagnunuan at etnisidad
  • Katayuan ng pamilya, pag-aasawa, o pagiging magulang kabilang ang pagbubuntis
  • Edad
  • Pagkakakilanlan ng genetika
  • Katayuan sa miyembro ng serbisyo

Paano mag-ulat ng isang paglabag sa mga karapatang sibil

Kung naniniwala ka na ikaw o ang ibang tao ay nakaranas ng labag sa batas na diskriminasyon, maaari kang mag-ulat ng isang paglabag sa mga karapatang sibil.

1

Mag-ulat gamit ang aming online na pormularyo.

Sa pamamagitan ng pagkumpleto sa online na pormularyo, maaari kang magbigay ng mga detalye na kailangan namin upang maunawaan kung ano ang nangyari. Makakatanggap ka ng numero bilang kumpirmasyon at ang iyong ulat ay agad na maipapadala sa aming kawani upang masuri.

2

Sinusuri namin ang iyong ulat.

Ang mga koponan na dalubhasa sa paghawak ng iyong uri ng suliranin ay susuriin ito. Kung kinakailangang ipasa ito sa ibang koponan o ahensya, susubukan naming ikonekta ang iyong reklamo sa tamang pangkat.

3

Tinutukoy namin ang mga susunod na hakbang at babalikan ka namin.

Kabilang sa posibleng mga kalalabasan ay ang: mag-follow-up para sa karagdagang impormasyon, mag-umpisa ng isang pagpapagitna o pagsisiyasat, ididirekta ka sa ibang samahan para sa karagdagang tulong, o ipapaalam sa iyo na hindi kami makakatulong.

Ikaw ba o isang kakilala mo ay nakaranas ng isang paglabag sa mga karapatang sibil?

Mag-umpisa ng isang ulat

Kung hindi mo makuha ang online na pormularyo, maaari kang tumawag upang mag-ulat ng isang paglabag o mag-ulat ng isang paglabag sa pamamagitan ng koreo.